-
2 Hari 14:1-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Nang ikalawang taon ni Jehoas+ na anak ni Jehoahaz na hari ng Israel, si Amazias na anak ni Haring Jehoas ng Juda ay naging hari. 2 Siya ay 25 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 29 na taon sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Jehoadin ng Jerusalem.+ 3 Patuloy niyang ginawa ang tama sa paningin ni Jehova, pero hindi gaya ng ninuno niyang si David.+ Ginawa niya ang lahat ng ginawa ng ama niyang si Jehoas.+ 4 Pero hindi naalis ang matataas na lugar,+ at naghahandog pa rin ang bayan at gumagawa ng haing usok sa matataas na lugar.+ 5 Nang matatag na ang paghahari niya, pinabagsak niya ang mga lingkod niyang nagpabagsak sa kaniyang amang hari.+ 6 Pero hindi niya pinatay ang mga anak ng mga mamamatay-taong ito. Sinunod niya ang utos na ito ni Jehova na nakasulat sa aklat ng Kautusan ni Moises: “Ang ama ay hindi papatayin dahil sa anak niya, at ang anak ay hindi papatayin dahil sa ama niya; ang bawat isa ay papatayin dahil sa sarili niyang kasalanan.”+
-