-
2 Hari 14:17-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Si Amazias+ na anak ni Jehoas na hari ng Juda ay nabuhay pa nang 15 taon pagkamatay ni Jehoas+ na anak ni Jehoahaz na hari ng Israel.+ 18 Ang iba pang nangyari kay Amazias ay nakasulat sa aklat ng kasaysayan ng mga hari ng Juda. 19 Nang maglaon, may mga nagsabuwatan laban sa kaniya+ sa Jerusalem, at tumakas siya papuntang Lakis, pero pinasundan nila siya sa Lakis at pinatay roon. 20 Iniuwi nila siya sakay ng kabayo at inilibing sa Jerusalem kasama ng mga ninuno niya sa Lunsod ni David.+
-