-
2 Cronica 14:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Sinabi niya sa Juda: “Itayo natin ang mga lunsod na ito at palibutan natin ng mga pader at tore,+ mga pintuang-daan* at mga halang. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin ang Diyos nating si Jehova. Hinanap natin siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa buong palibot.” Kaya nagtagumpay sila sa pagtatayo.+
-
-
Awit 1:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Sa halip, nalulugod siya sa kautusan ni Jehova,+
At ang kautusan Niya ay binabasa niya nang pabulong* araw at gabi.+
3 Magiging gaya siya ng isang puno na nakatanim sa tabi ng daluyan ng tubig,
Isang puno na namumunga sa panahon nito,
Na ang mga dahon ay hindi nalalanta.
At ang lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.+
-