-
Levitico 13:45, 46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
45 Dapat punitin ng ketongin ang mga damit niya at pabayaang hindi nakaayos ang buhok* niya at dapat niyang takpan ang bigote niya at dapat siyang sumigaw, ‘Marumi, marumi!’ 46 Siya ay marumi hangga’t may ketong siya. Dahil marumi siya, dapat siyang bumukod ng tirahan. Sa labas ng kampo siya dapat tumira.+
-
-
Bilang 12:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Sumagot si Jehova kay Moises: “Kung duraan siya ng kaniyang ama sa mismong mukha niya, hindi ba mapapahiya siya nang pitong araw? Ibukod ninyo siya nang pitong araw sa labas ng kampo,+ at pagkatapos ay puwede na siyang papasuking muli.” 15 Kaya ibinukod si Miriam sa labas ng kampo nang pitong araw,+ at nanatiling nagkakampo ang bayan hanggang sa papasuking muli si Miriam.
-