-
2 Hari 16:10-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pagkatapos, pinuntahan ni Haring Ahaz si Haring Tiglat-pileser ng Asirya sa Damasco. Nang makita ni Haring Ahaz ang altar na nasa Damasco, nagpadala siya sa saserdoteng si Urias ng plano ng altar, na nagpapakita ng parisan nito at kung paano ito ginawa.+ 11 Nagtayo ang saserdoteng si Urias+ ng altar+ ayon sa lahat ng tagubilin na ipinadala ni Haring Ahaz mula sa Damasco. Natapos iyon ng saserdoteng si Urias bago makabalik si Haring Ahaz mula sa Damasco. 12 Nang makabalik ang hari mula sa Damasco at makita ang altar, lumapit siya sa altar at naghandog doon.+ 13 At nagpausok siya ng kaniyang mga handog na sinusunog at handog na mga butil sa altar na iyon; ibinuhos din niya ang kaniyang mga handog na inumin at iwinisik doon ang dugo ng kaniyang mga haing pansalo-salo.
-