-
Levitico 4:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 “‘At kung ang buong bayan ng Israel ay magkasala nang di-sinasadya,+ pero hindi alam ng kongregasyon na may nagawa silang isang bagay na ipinagbabawal ni Jehova,+ 14 at pagkatapos ay naging hayag ang kasalanan, dapat maghandog ang kongregasyon ng isang batang toro bilang handog para sa kasalanan at dalhin iyon sa harap ng tolda ng pagpupulong.
-
-
Bilang 15:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 “‘Kung nakagawa kayo ng pagkakamali at hindi ninyo nasunod ang lahat ng utos na ito na sinabi ni Jehova kay Moises 23 —ang lahat ng iniutos sa inyo ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na nagkabisa mula nang araw na iutos ni Jehova ang mga ito at magpapatuloy hanggang sa susunod na mga henerasyon ninyo— 24 at kung ito ay di-sinasadya at hindi alam ng bayan, ang buong bayan ay dapat mag-alay ng isang batang toro bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, pati ng handog na mga butil at handog na inumin na kasama nito, ayon sa itinakdang paraan,+ at ng isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan.+
-