-
1 Hari 8:65, 66Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
65 Nang panahong iyon, ang kapistahan+ ay idinaos ni Solomon kasama ang buong Israel, isang malaking kongregasyon mula sa Lebo-hamat* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ sa harap ni Jehova na ating Diyos nang 7 araw at nang karagdagan pang 7 araw, 14 na araw lahat-lahat. 66 Nang sumunod na araw,* pinauwi na niya ang mga tao, at pinagpala nila ang hari at umuwi silang nagsasaya at maligaya ang puso dahil sa lahat ng kabutihang+ ipinakita ni Jehova sa lingkod niyang si David at sa kaniyang bayang Israel.
-