Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 7:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Sa halip, ito ang dapat ninyong gawin: Ibagsak ang mga altar nila, gibain ang mga sagradong haligi nila,+ putulin ang mga sagradong poste* nila,+ at sunugin ang mga inukit na imahen nila.+

  • 2 Hari 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Nang ikatlong taon ng hari ng Israel na si Hosea+ na anak ni Elah, si Hezekias+ na anak ni Haring Ahaz+ ng Juda ay naging hari.

  • 2 Hari 18:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Siya ang nag-alis sa matataas na lugar,+ nagwasak sa mga sagradong haligi, at pumutol sa sagradong poste.*+ Dinurog din niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises;+ dahil hanggang noong panahong iyon, gumagawa pa rin ang mga Israelita ng haing usok para doon, at tinatawag iyon noon na tansong ahas na idolo.*

  • 2 Cronica 14:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Ginawa ni Asa ang mabuti at tama sa paningin ng Diyos niyang si Jehova. 3 Inalis niya ang altar ng mga banyaga+ at ang matataas na lugar, pinagdurog-durog ang mga sagradong haligi,+ at pinagpuputol ang mga sagradong poste.*+

  • 2 Cronica 34:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Walong taóng gulang si Josias+ nang maging hari, at namahala siya nang 31 taon sa Jerusalem.+

  • 2 Cronica 34:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang ika-8 taon ng paghahari niya, noong bata pa siya, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ng ninuno niyang si David.+ At noong ika-12 taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem;+ inalis niya ang matataas na lugar+ at ang mga sagradong poste,* inukit na imahen,+ at metal na estatuwa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share