-
2 Hari 19:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa mga mensahero at binasa ang mga iyon. Pagkatapos, pumunta si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag ang mga iyon* sa harap ni Jehova.+ 15 At nanalangin si Hezekias+ sa harap ni Jehova: “O Jehova na Diyos ng Israel, na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin,+ ikaw lang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa.+ Ikaw ang gumawa ng langit at ng lupa.
-
-
2 Cronica 14:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkatapos, tumawag si Asa sa Diyos niyang si Jehova:+ “O Jehova, matutulungan mo kahit sino, marami man sila o mahina.+ Diyos naming Jehova, tulungan mo kami, dahil umaasa* kami sa iyo,+ at lalaban kami sa malaking hukbong ito sa ngalan mo.+ O Jehova, ikaw ang Diyos namin. Huwag mong hayaang matalo ka ng hamak na tao.”+
-