-
Ezra 6:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Kaya naglabas ng utos si Haring Dario, at gumawa sila ng imbestigasyon sa bahay na nasa Babilonya kung saan nakatago ang mga aklat ng kasaysayan at ang kayamanan.
-
-
Hagai 1:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At pinukaw ni Jehova ang puso*+ ng gobernador ng Juda+ na si Zerubabel na anak ni Sealtiel, ang puso ng mataas na saserdoteng si Josue+ na anak ni Jehozadak, at ang puso ng lahat ng iba pa sa bayan; at nagpunta sila sa bahay ni Jehova ng mga hukbo na Diyos nila at sinimulan nilang gawin iyon.+ 15 Ito ay noong ika-24 na araw ng ikaanim na buwan sa ikalawang taon ni Haring Dario.+
-