-
Nehemias 10:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Ang lahat ng iba pa sa bayan—ang mga saserdote, mga Levita, mga bantay ng pintuang-daan, mga mang-aawit, mga lingkod sa templo,* at ang lahat ng humiwalay sa mga bayan sa lupain para sundin ang Kautusan ng tunay na Diyos,+ kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ang lahat ng may kaalaman at unawa*— 29 ay sumama sa kanilang mga kapatid, na mga prominenteng tao, at gumawa ng isang panata na puwedeng magdala ng sumpa sa kanila kung hindi nila tutuparin ang Kautusan ng tunay na Diyos, na ibinigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos, at kung hindi nila susunding mabuti ang lahat ng batas, kahatulan, at patakaran ni Jehova na aming Panginoon. 30 Hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan sa lupain, at hindi namin kukunin ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalaki.+
-