-
Nehemias 7:70-72Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
70 Ang ilan sa mga ulo ng angkan ay nag-abuloy para sa gawain.+ Ang gobernador* ay nagbigay sa kabang-yaman ng 1,000 gintong drakma,* 50 mangkok, at 530 mahahabang damit ng saserdote.+ 71 At ang ilan sa mga ulo ng angkan ay nagbigay ng 20,000 gintong drakma at 2,200 pilak na mina* para sa kabang-yaman ng mga gawain. 72 At ang lahat ng iba pa sa bayan ay nagbigay ng 20,000 gintong drakma, 2,000 pilak na mina, at 67 mahahabang damit ng saserdote.
-