-
Exodo 2:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Makalipas ang mahabang panahon,* namatay ang hari ng Ehipto,+ pero ang mga Israelita ay patuloy na dumaraing at nagrereklamo dahil sa pagkaalipin, at ang paghingi nila ng tulong ay laging nakakarating sa tunay na Diyos.+ 24 Nang maglaon, dininig ng Diyos ang pagdaing nila,+ at inalaala ng Diyos ang kaniyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob.+ 25 Kaya binigyang-pansin ng Diyos ang mga Israelita at nakita ang paghihirap nila.
-