Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 16:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Alalahanin ninyo na ibinigay sa inyo ni Jehova ang Sabbath.+ Kaya naman sa ikaanim na araw ay binibigyan niya kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Ang lahat ay mananatili sa kinaroroonan niya; hindi puwedeng umalis ang sinuman sa inyo sa ikapitong araw.”

  • Exodo 20:8-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath at panatilihin itong banal.+ 9 Puwede kang magtrabaho sa loob ng anim na araw,+ 10 pero ang ikapitong araw ay sabbath para kay Jehova na iyong Diyos. Hindi ka gagawa ng anumang trabaho, ikaw, ang iyong anak na lalaki at babae, aliping lalaki at babae, at alagang hayop, o ang dayuhang naninirahan sa inyong mga pamayanan.*+ 11 Dahil sa loob ng anim na araw ay ginawa ni Jehova ang langit, lupa, dagat, at lahat ng naroon, at nagsimula siyang magpahinga sa ikapitong araw.+ Kaya naman pinagpala ni Jehova ang araw ng Sabbath at ginawa itong banal.

  • Deuteronomio 5:12-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “‘Sundin mo ang batas sa Sabbath at panatilihin itong banal, gaya ng iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ 13 Puwede kang magtrabaho sa loob ng anim na araw,+ 14 pero ang ikapitong araw ay sabbath para kay Jehova na iyong Diyos.+ Hindi ka gagawa ng anumang trabaho,+ ikaw, ang iyong anak na lalaki at babae, aliping lalaki at babae, toro, asno, alinman sa iyong alagang hayop, o ang dayuhang naninirahan sa mga lunsod* ninyo,+ para makapagpahinga rin ang iyong aliping lalaki at babae gaya mo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share