Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ezra 6:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Noong unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa bahay ng Diyos sa Jerusalem:+ ‘Itatayong muli ang bahay na paghahandugan nila ng mga hain, at gagawin ang mga pundasyon nito; 60 siko* ang taas nito at 60 siko ang lapad,+

  • Ezra 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At ang anumang kailangan—mga batang toro*+ at mga lalaking tupa+ at mga kordero*+ na gagamitin bilang handog na sinusunog para sa Diyos ng langit, at trigo,+ asin,+ alak,+ at langis,+ anuman ang sabihin ng mga saserdoteng nasa Jerusalem—ay dapat ibigay sa kanila araw-araw nang walang palya,

  • Ezra 7:21-24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “Ako, si Haring Artajerjes, ay naglabas ng isang utos sa lahat ng ingat-yaman sa rehiyon sa kabila ng Ilog,* na lahat ng hingin sa inyo ni Ezra+ na saserdote, na tagakopya* ng Kautusan ng Diyos ng langit, ay ibigay agad, 22 hanggang 100 talento* ng pilak, 100 kor* ng trigo, 100 bat* ng alak,+ 100 bat ng langis,+ at gaano man karaming asin.+ 23 Ang lahat ng iniutos ng Diyos ng langit may kinalaman sa kaniyang bahay ay gawin nang buong sigasig, para hindi magalit ang Diyos ng langit+ sa nasasakupan ng hari at sa mga anak niya.+ 24 At ipinaaalam din sa inyo na hindi dapat pagbayarin ng anumang buwis*+ ang sinumang saserdote at Levita, manunugtog,+ bantay-pinto, lingkod sa templo,*+ at iba pang manggagawa sa bahay na ito ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share