Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 22:4-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kaya sinabi ng Moab sa matatandang lalaki ng Midian:+ “Uubusin ng bayang* ito ang lahat ng nakapalibot sa atin, gaya ng pag-ubos ng toro sa damo sa parang.”

      Si Balak na anak ni Zipor ang hari ng Moab nang panahong iyon. 5 Nagsugo siya ng mga mensahero kay Balaam na anak ni Beor sa Petor,+ na nasa tabi ng Ilog* sa lupain nito. Ipinatawag niya ito at ipinasabi: “Tingnan mo! Isang bayan ang lumabas sa Ehipto. Tinakpan nila ang ibabaw ng lupa,+ at naninirahan sila sa mismong harap ko. 6 Kaya pakisuyo, pumunta ka rito at sumpain ang bayang ito para sa akin+ dahil mas malakas sila kaysa sa akin. Baka sakaling matalo ko sila at mapalayas sa lupain, dahil alam na alam ko na ang sinumang pagpalain mo ay talagang pinagpapala at ang sinumang sumpain mo ay talagang tumatanggap ng sumpa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share