14 “‘Kung mag-aalay ka kay Jehova ng handog na mga butil mula sa mga unang hinog na bunga, dapat kang maghandog ng sariwang mga butil na binusa at dinurog. Ito ang handog na mga butil mula sa iyong mga unang hinog na bunga.+ 15 Lalagyan mo iyon ng langis at ng olibano. Iyon ay handog na mga butil.