-
Esther 9:5-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pinabagsak ng mga Judio ang lahat ng kaaway nila gamit ang espada at pinuksa ang mga ito; ginawa nila ang anumang gusto nilang gawin sa mga napopoot sa kanila.+ 6 Sa palasyo ng Susan,*+ 500 ang napatay ng mga Judio. 7 Pinatay rin nila sina Parsandata, Dalpon, Aspata, 8 Porata, Adalia, Aridata, 9 Parmasta, Arisai, Aridai, at Vaizata, 10 ang 10 anak na lalaki ni Haman na anak ni Hamedata, ang kaaway ng mga Judio.+ Pero pagkatapos nilang patayin ang mga ito, hindi nila kinuha ang pag-aari ng mga ito.+
-