-
Esther 3:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Ang mga liham ay dinala ng mga mensahero sa lahat ng distritong sakop ng hari. Nakasulat dito na ang lahat ng Judio, mga bata’t matanda, mga musmos at mga babae, ay dapat lipulin, patayin, at puksain sa isang araw, sa ika-13 araw ng ika-12 buwan, ang buwan ng Adar,+ at dapat kunin ang lahat ng pag-aari nila.+
-
-
Esther 9:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Noong ika-13 araw ng ika-12 buwan, ang buwan ng Adar,*+ kung kailan nakatakdang isagawa ang utos ng hari,+ at kung kailan inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na matatalo nila ang mga ito, kabaligtaran ang nangyari. Tinalo ng mga Judio ang mga napopoot sa kanila.+ 2 Ang mga Judio ay nagtipon-tipon sa mga lunsod nila sa lahat ng distritong sakop ni Haring Ahasuero+ para labanan ang mga magtatangkang manakit sa kanila, at walang sinuman ang makalaban sa mga Judio dahil natatakot sa kanila ang lahat ng tao.+
-
-
Esther 9:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Ang iba pang Judio sa mga distritong sakop ng hari ay nagtipon-tipon din at ipinagtanggol ang sarili nila.+ Tinalo nila ang kanilang kaaway+—75,000 napopoot sa kanila ang napatay nila; pero hindi nila kinuha ang pag-aari ng mga ito. 17 Naganap ito noong ika-13 araw ng buwan ng Adar, at nagpahinga sila nang ika-14 na araw at ginawa itong isang araw ng mga handaan at pagsasaya.
-