-
Esther 5:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Kung kinalulugdan ako ng hari at nanaisin ng hari na ibigay ang pakiusap ko at kahilingan, pumunta sana kayo ni Haman sa handaang idaraos ko bukas para sa inyo; at bukas ko po sasabihin ang kahilingan ko.”
-
-
Esther 8:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Sinabi ni Esther: “Kung nanaisin ng hari at kung nalulugod kayo sa akin, at kung mamarapatin ninyo at kung kasiya-siya ako sa inyong paningin, maglabas kayo ng nasusulat na utos na magpapawalang-bisa sa mga dokumento ng masamang si Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita,+ ang mga dokumentong ginawa niya para puksain ang mga Judio sa lahat ng distritong sakop ng hari.
-