Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 24:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ipinatapon niya ang buong Jerusalem, ang lahat ng pinuno,+ ang lahat ng malalakas na mandirigma, at ang bawat bihasang manggagawa at panday*+—10,000 lahat. Walang naiwan maliban sa pinakamahihirap na tao sa lupain.+ 15 Ipinatapon niya si Jehoiakin+ sa Babilonya;+ kinuha rin niya sa Jerusalem ang ina ng hari, mga asawa ng hari, mga opisyal nito sa palasyo, at ang mga prominenteng tao sa lupain, at ipinatapon niya ang mga ito sa Babilonya.

  • 1 Cronica 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias,+ na ama ni Zedekias.

  • 2 Cronica 36:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Si Jehoiakin+ ay 18 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan at 10 araw; at patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova.+ 10 Sa simula ng taon,* ipinakuha siya ni Haring Nabucodonosor para dalhin sa Babilonya,+ kasama ang mahahalagang kagamitan ng bahay ni Jehova.+ At si Zedekias na kapatid ng kaniyang ama ang ginawa nitong hari sa Juda at Jerusalem.+

  • Jeremias 22:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Ang lalaki bang ito na si Conias ay isa lamang hinahamak at basag na palayok,

      Isang sisidlang hindi gusto ng sinuman?

      Bakit siya itinapon, pati ang mga inapo niya,

      Sa isang lupaing hindi nila alam?’+

  • Jeremias 24:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Jehova na dalawang basket ng igos na nasa harap ng templo ni Jehova, matapos ipatapon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias,*+ na hari ng Juda, kasama ang matataas na opisyal ng Juda, ang mga bihasang manggagawa, at ang mga panday;* dinala niya sila mula sa Jerusalem papuntang Babilonya.+

  • Jeremias 37:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 At si Haring Zedekias+ na anak ni Josias ay nagsimulang mamahala kapalit ni Conias*+ na anak ni Jehoiakim, dahil inilagay siya ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya bilang hari sa lupain ng Juda.+

  • Jeremias 52:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At nang ika-37 taon ng pagkatapon ni Haring Jehoiakin+ ng Juda, noong ika-25 araw ng ika-12 buwan, si Haring Jehoiakin ng Juda ay pinalaya ni Haring Evil-merodac ng Babilonya noong taóng maging hari ito at inilabas siya nito sa bilangguan.+

  • Mateo 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 naging anak ni Josias+ si Jeconias+ at ang mga kapatid nito noong panahon ng pagkatapon sa Babilonya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share