-
Esther 2:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 At mag-atas ang hari ng mga tauhan sa lahat ng nasasakupang distrito.+ Titipunin nila ang lahat ng dalagang magaganda at bata pa at dadalhin ang mga ito sa palasyo ng Susan,* sa bahay ng mga babae. Si Hegai+ na lingkod* ng hari at tagapag-alaga ng mga babae ang mag-aasikaso sa kanila, at pagagandahin sila* roon. 4 At ang dalagang pinakamagugustuhan ng hari ang magiging reyna kapalit ni Vasti.”+ Natuwa ang hari sa mungkahi, at ginawa niya iyon.
-