-
Esther 3:8-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Pagkatapos, sinabi ni Haman kay Haring Ahasuero: “May isang bayan na nakapangalat sa gitna ng mga bayan+ sa lahat ng distritong pinamamahalaan mo.+ Naiiba ang mga batas nila kumpara sa ibang bayan. Hindi sila sumusunod sa kautusan ng hari, at hindi makakabuti sa hari kung kukunsintihin sila. 9 Kung papayag ang hari, ipasulat niya nawa ang isang utos na lipulin sila. Magbibigay ako sa mga opisyal ng 10,000 talento* ng pilak para sa kabang-yaman ng hari.”*
10 Hinubad ng hari ang kaniyang singsing na panlagda+ at ibinigay iyon kay Haman+ na anak ni Hamedata na Agagita,+ na kaaway ng mga Judio. 11 Sinabi ng hari kay Haman: “Bahala ka na sa pilak at sa mga taong iyon; gawin mo sa kanila kung ano ang iniisip mong tama.”
-