-
Esther 3:2-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 At ang lahat ng lingkod ng hari na nasa pintuang-daan ng palasyo ay yumuyukod at sumusubsob sa harapan ni Haman dahil iyon ang iniutos ng hari. Pero ayaw yumukod o sumubsob ni Mardokeo. 3 Kaya ang mga lingkod ng hari na nasa pintuang-daan ng palasyo ay nagsabi kay Mardokeo: “Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?” 4 Araw-araw nila siyang sinasabihan, pero ayaw niyang makinig, at sinabi niya sa kanila na siya ay isang Judio.+ Kaya nagsumbong sila kay Haman para malaman kung palalampasin nito ang ginagawa ni Mardokeo.+
5 Nang makita ni Haman na ayaw yumukod at sumubsob ni Mardokeo sa harapan niya, nag-init siya sa galit.+
-