-
Job 1:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At dumating ang araw na ang mga anak ng tunay na Diyos*+ ay tumayo sa harap ni Jehova,+ at sumama rin si Satanas.+
7 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Jehova: “Lumibot-libot ako sa lupa at nagpagala-gala roon.”+ 8 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Napansin mo ba ang* lingkod kong si Job? Wala siyang katulad sa lupa. Siya ay matuwid at tapat,*+ natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan.”
-