-
Levitico 24:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At dapat mong sabihin sa mga Israelita, ‘Kung isumpa ng sinuman ang kaniyang Diyos, mananagot siya sa kasalanan niya. 16 Kaya ang lumalapastangan sa pangalan ni Jehova ay dapat patayin.+ Dapat siyang batuhin ng buong kapulungan. Ang dayuhang naninirahang kasama ninyo na lumapastangan sa Pangalan ay dapat patayin gaya rin ng katutubo.
-
-
Apocalipsis 12:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsabi:
“Ngayon ay dumating na ang kaligtasan+ at ang kapangyarihan at ang Kaharian ng ating Diyos+ at ang awtoridad ng kaniyang Kristo, dahil ang tagapag-akusa sa mga kapatid natin ay inihagis na, ang nag-aakusa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos!+
-