-
1 Hari 19:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Natakot si Elias, at tumakas siya para iligtas ang buhay niya.+ Nakarating siya sa Beer-sheba,+ na sakop ng Juda,+ at iniwan niya roon ang tagapaglingkod niya. 4 Pagkatapos, isang araw siyang naglakbay papunta sa ilang. Umupo siya sa ilalim ng isang punong retama at hiniling niya na mamatay na sana siya.* Sinabi niya: “Hindi ko na kaya! O Jehova, kunin mo na ang buhay* ko,+ dahil hindi ako nakahihigit sa mga ninuno ko.”
-
-
Jonas 4:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Kaya nanalangin siya kay Jehova: “Jehova, hindi ba ito ang inaalala ko bago pa ako magpunta rito? Kaya nga ako tumakas papuntang Tarsis,+ dahil alam kong isa kang Diyos na mapagmalasakit* at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,+ at hindi natutuwa sa pagpaparusa. 3 O Jehova, pakiusap, hayaan mo na akong mamatay. Mas mabuti pang mamatay na lang ako.”+
-