Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan,+ dahil tiyak na paparusahan ni Jehova ang gumagamit ng pangalan niya sa walang-kabuluhang paraan.+

  • Job 4:18-20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Wala siyang tiwala sa mga lingkod niya,

      At hinahanapan niya ng mali ang mga anghel* niya.

      19 Gaano pa kaya ang mga nakatira sa bahay na gawa sa putik,

      Na ang pundasyon ay galing sa alabok,+

      Na madaling pisain na gaya ng insekto!*

      20 Sa pagitan ng umaga at gabi, nadurog sila nang lubusan;

      Naglaho na sila magpakailanman at wala man lang nakapansin.

  • Job 22:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 “May silbi ba ang tao sa Diyos?

      Mapapakinabangan ba niya ang sinumang may unawa?+

       3 May pakialam* ba ang Makapangyarihan-sa-Lahat kung matuwid ka,

      O may pakinabang ba siya sa pananatili mong tapat?+

  • Job 25:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Maging ang buwan ay hindi maliwanag

      At ang mga bituin ay hindi malinis sa paningin niya.

       6 Gaano pa kaya ang taong mortal, na isang uod lang,

      At ang anak ng tao, na isang bulati!”

  • Job 42:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kaya kumuha kayo ng pitong toro at pitong lalaking tupa at puntahan ninyo ang lingkod kong si Job, at maghandog kayo ng haing sinusunog para sa sarili ninyo. Ipapanalangin kayo ng lingkod kong si Job.+ Tatanggapin ko ang hiling niya na* huwag kayong hiyain dahil sa kamangmangan ninyo, dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin, di-gaya ng ginawa ng lingkod kong si Job.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share