Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 3:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 ibibigay ko sa iyo ang hiniling mo.+ Bibigyan kita ng pusong marunong at may kaunawaan;+ wala kang magiging katulad sa sinumang nabuhay noon at wala kang magiging katulad sa hinaharap.+

  • 1 Hari 4:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 At binigyan ng Diyos si Solomon ng pambihirang karunungan at kaunawaan at ng pusong may malawak na unawa, gaya ng buhangin sa dalampasigan.+

  • Job 35:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Mas tinuturuan niya tayo+ kaysa sa mga hayop sa lupa,+

      At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga ibon sa langit.

  • Kawikaan 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dahil si Jehova mismo ang nagbibigay ng karunungan;+

      Sa bibig niya nagmumula ang kaalaman at kaunawaan.

  • Eclesiastes 2:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Ang taong kalugod-lugod sa kaniya ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman, at kasayahan,+ pero ang makasalanan ay ginagawa niyang abala sa pagtitipon ng mga bagay na ibibigay lang nito sa taong kalugod-lugod sa tunay na Diyos.+ Ito rin ay walang kabuluhan, paghahabol lang sa hangin.

  • Daniel 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At binigyan ng tunay na Diyos ang apat na kabataang* ito ng karunungan, pati ng kaalaman at unawa sa lahat ng aklat; at si Daniel ay binigyan ng kakayahang maunawaan ang lahat ng klase ng pangitain at panaginip.+

  • Mateo 11:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Nang panahong iyon, sinabi ni Jesus: “Sa harap ng mga tao ay pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino at isiniwalat ang mga ito sa mga bata.+

  • Santiago 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Kaya kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, patuloy siyang humingi sa Diyos,+ dahil sagana Siyang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta,*+ at ibibigay iyon sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share