-
Genesis 20:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos sa panaginip: “Alam ko na malinis ang konsensiya mo nang gawin mo ito, kaya pinigilan kita na magkasala sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit hindi kita pinahintulutang galawin siya. 7 Kaya ibalik mo ngayon ang asawa ng lalaki, dahil isa siyang propeta,+ at magsusumamo siya alang-alang sa iyo+ para patuloy kang mabuhay. Pero kung hindi mo siya ibabalik, tiyak na mamamatay ka, ikaw at ang lahat ng sa iyo.”
-
-
Mateo 27:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Bukod diyan, habang nakaupo si Pilato sa luklukan ng paghatol, ipinasabi ng asawa niya: “Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, dahil labis akong pinahirapan ngayon ng isang panaginip dahil sa kaniya.”
-