-
Daniel 4:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Ito ang ibig sabihin ng panaginip, O hari; ito ang sinabi ng Kataas-taasan na mangyayari sa panginoon kong hari. 25 Itataboy ka ng mga tao at maninirahang kasama ng mga hayop sa parang, at pananim ang kakainin mo gaya ng mga toro; at mababasâ ka ng hamog ng langit,+ at lilipas ang pitong panahon+ hanggang sa malaman mong ang Kataas-taasan ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao at na ibinibigay niya ang pamamahala kung kanino niya gusto.+
-