Awit 10:14 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 14 Pero nakikita mo ang kaguluhan at pagdurusa. Nagmamasid ka at kumikilos.+ Sa iyo lumalapit ang kawawang biktima;+Ikaw ang tumutulong sa batang walang ama.*+ Awit 140:12 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 12 Alam kong ipagtatanggol ni Jehova ang mga hamakAt bibigyan ng katarungan ang mga dukha.+ Kawikaan 22:22, 23 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 22 Huwag mong nanakawan ang dukha dahil mahirap siya,+At huwag mong aapihin ang maralita sa pintuang-daan ng lunsod,+23 Dahil si Jehova mismo ang magtatanggol sa kanilang usapin,+At papatayin niya ang nandaraya sa kanila.
14 Pero nakikita mo ang kaguluhan at pagdurusa. Nagmamasid ka at kumikilos.+ Sa iyo lumalapit ang kawawang biktima;+Ikaw ang tumutulong sa batang walang ama.*+
22 Huwag mong nanakawan ang dukha dahil mahirap siya,+At huwag mong aapihin ang maralita sa pintuang-daan ng lunsod,+23 Dahil si Jehova mismo ang magtatanggol sa kanilang usapin,+At papatayin niya ang nandaraya sa kanila.