-
Awit 102:25-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Noong unang panahon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa,
At ang langit ay gawa ng mga kamay mo.+
26 Maglalaho ang mga ito, pero ikaw ay mananatili;
Gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma.
Gaya ng damit, papalitan mo ang mga ito at mawawala na.
27 Pero ikaw ay hindi nagbabago, at hindi magwawakas ang mga taon mo.+
-
-
Hebreo 1:10-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At: “Nang pasimula, O Panginoon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa, at ang langit ay gawa ng mga kamay mo. 11 Maglalaho ang mga ito, pero ikaw ay mananatili; at gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma, 12 at titiklupin mo ang mga ito gaya ng isang balabal, gaya ng isang damit, at ang mga ito ay mapapalitan. Pero ikaw ay hindi nagbabago, at hindi magwawakas ang mga taon mo.”+
-