2 Gumising ka, O instrumentong de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.+
Gigisingin ko ang bukang-liwayway.
3 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova,
At aawit ako ng mga papuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila, kasintaas ng langit,+
At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.
5 Maging dakila ka nawa sa langit, O Diyos;
Maging maluwalhati ka nawa sa buong lupa.+