Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 22:22-24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda o batang walang ama.*+ 23 Kapag inapi ninyo sila at dumaing sila sa akin, tiyak na pakikinggan ko ang daing nila;+ 24 at mag-aapoy ang galit ko, at papatayin ko kayo gamit ang espada, at ang inyong mga asawa ay magiging biyuda, at ang inyong mga anak ay mawawalan ng ama.

  • Deuteronomio 10:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ang Diyos ng mga diyos+ at ang Panginoon ng mga panginoon, ang Diyos na dakila, makapangyarihan, at kahanga-hanga,* na hindi nagtatangi+ o tumatanggap ng suhol. 18 Binibigyan niya ng katarungan ang batang walang ama* at biyuda.+ Minamahal din niya ang dayuhang naninirahang kasama ninyo+—binibigyan niya ito ng pagkain at damit.

  • Awit 10:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pero nakikita mo ang kaguluhan at pagdurusa.

      Nagmamasid ka at kumikilos.+

      Sa iyo lumalapit ang kawawang biktima;+

      Ikaw ang tumutulong sa batang walang ama.*+

  • Awit 146:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Pinoprotektahan ni Jehova ang mga dayuhan sa lupain;

      Tinutulungan niya ang batang walang ama at ang biyuda,+

      Pero binibigo niya ang plano ng masasama.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share