3 Kaya nakinig si Jehova sa Israel at ibinigay ang mga Canaanita sa kanila, at pinatay nila ang mga ito at winasak* ang mga lunsod nito. Kaya tinawag nilang Horma* ang lugar na iyon.+
5 Kaya ang limang hari ng mga Amorita+—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon—ay nagsama-sama pati ang mga hukbo nila. Lumusob sila sa Gibeon at pinalibutan ito para makipagdigma rito.
10 Nilito ni Jehova ang mga ito sa harap ng Israel,+ at marami sa kanila ang pinatay ng mga Israelita sa Gibeon; hinabol sila ng mga Israelita sa paakyat na daan ng Bet-horon at pinatay sila hanggang sa Azeka at Makeda.