-
Awit 40:13-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 O Jehova, kalugdan mo nawang iligtas ako.+
O Jehova, magmadali ka at tulungan mo ako.+
14 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal
Ang lahat ng nagtatangka sa buhay ko.
Umurong nawa sa kahihiyan
Ang mga gustong mapahamak ako.
15 Mangilabot nawa sa sarili nilang kahihiyan
Ang mga nagsasabi sa akin: “Buti nga sa iyo!”
Lagi nawang sabihin ng mga nananabik sa pagliligtas mo:
“Dakilain nawa si Jehova.”+
17 Pero ako ay walang kalaban-laban at dukha;
Bigyang-pansin nawa ako ni Jehova.
-