Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 “Itatakda ko ang inyong hangganan mula sa Dagat na Pula hanggang sa dagat ng mga Filisteo at mula sa ilang hanggang sa Ilog;*+ dahil ibibigay ko sa kamay ninyo ang mga naninirahan sa lupain, at palalayasin ninyo sila sa harap ninyo.+

  • 1 Hari 4:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Namahala si Solomon sa lahat ng kaharian mula sa Ilog*+ hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hanggang sa hangganan ng Ehipto. Nagdadala sila ng tributo,* at naglingkod sila kay Solomon sa lahat ng araw ng buhay niya.+

  • Awit 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana

      At ang buong lupa bilang iyong pag-aari.+

  • Awit 22:27, 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Maaalaala ng buong lupa si Jehova at lalapit sa kaniya.

      Ang lahat ng pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harap mo.+

      28 Dahil ang paghahari ay kay Jehova;+

      Namamahala siya sa mga bansa.

  • Daniel 2:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Nang pagkakataong iyon, sama-samang nadurog ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto at naging gaya ng ipa sa giikan kapag tag-araw, at tinangay ito ng hangin kaya wala nang natirang bakas nito. Pero ang bato na tumama sa imahen ay naging isang malaking bundok, at napuno nito ang buong lupa.

  • Zacarias 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kukunin ko ang karwaheng pandigma mula sa Efraim

      At ang kabayo mula sa Jerusalem.

      Ang panang pandigma ay kukunin.

      At magpapahayag siya ng kapayapaan sa mga bansa;+

      Ang pamamahala niya ay magiging mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat

      At mula sa Ilog* hanggang sa mga dulo ng lupa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share