35 Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya,+
At ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.+
2 Tiyak na mamumulaklak iyon;+
Magsasaya iyon at hihiyaw sa kagalakan.
Ibibigay roon ang kaluwalhatian ng Lebanon,+
Ang karilagan ng Carmel+ at ng Saron.+
Makikita nila ang kaluwalhatian ni Jehova, ang karilagan ng ating Diyos.