-
Jeremias 7:24-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Pero hindi sila nakinig at nagbigay-pansin;+ sa halip, sumunod sila sa sarili nilang kaisipan.* Matigas ang ulo nila at sumunod sila sa masama nilang puso,+ at naging paurong sila, hindi pasulong, 25 mula nang araw na lumabas ang mga ninuno ninyo sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito.+ Kaya patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng lingkod kong propeta, araw-araw, paulit-ulit.*+ 26 Pero ayaw nilang makinig sa akin, at hindi sila nagbigay-pansin.+ Sa halip, nagmatigas sila,* at ang mga ginawa nila ay mas masahol pa sa ginawa ng mga ninuno nila!
-