-
Bilang 11:31-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 At nagpadala si Jehova ng malakas na hangin at ang mga pugo mula sa dagat ay tinangay sa palibot ng kampo;+ ang lawak ng natakpan ng mga ito ay mga isang-araw na paglalakbay sa isang panig at mga isang-araw na paglalakbay sa kabilang panig, sa palibot ng kampo, at mga dalawang siko* ang taas ng mga ito sa ibabaw ng lupa. 32 Kaya nang buong araw na iyon hanggang gabi at hanggang sa kinabukasan, hindi natulog ang mga tao at nanguha sila ng mga pugo. Di-bababa sa 10 homer* ang nakuha ng bawat isa sa kanila, at inilatag nila ang mga iyon sa palibot ng kampo para sa kanilang sarili. 33 Pero nang nasa bibig pa lang nila* ang karne, bago pa nila iyon manguya, lumagablab ang galit ni Jehova sa bayan, at napakaraming pinatay ni Jehova.+
34 Kaya tinawag nilang Kibrot-hataava*+ ang lugar na iyon, dahil doon nila inilibing ang mga taong naghangad nang may kasakiman.+
-