-
Bilang 14:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Lahat ng Israelita ay nagsimulang magbulong-bulungan laban kina Moises at Aaron,+ at nagsalita laban sa kanila ang buong bayan: “Namatay na lang sana tayo sa Ehipto, o namatay na lang sana tayo sa ilang na ito! 3 Bakit pa tayo dadalhin ni Jehova sa lupaing iyon para mamatay sa espada?+ Magiging samsam ang ating mga asawang babae at anak.+ Hindi ba mas mabuti kung bumalik tayo sa Ehipto?”+ 4 Sinabi pa nila sa isa’t isa: “Mag-atas tayo ng mangunguna sa atin, at bumalik tayo sa Ehipto!”+
-
-
1 Corinto 10:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Huwag tayong mamihasa sa seksuwal na imoralidad,* gaya ng ilan sa kanila na nagkasala ng seksuwal na imoralidad,* kung kaya 23,000 sa kanila ang namatay sa isang araw.+ 9 Huwag din nating susubukin si Jehova,*+ gaya ng ilan sa kanila na sumubok sa kaniya, kung kaya nalipol sila sa pamamagitan ng mga ahas.+ 10 Huwag din tayong magbulong-bulungan, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila,+ kung kaya nilipol sila ng tagapuksa.+
-