17 Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos, ang Banal ng Israel:+
“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,
Ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka,+
Ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.+
18 Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko,+
Ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog+
At ang katuwiran mo ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.+