-
Josue 9:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pero hindi sila sinalakay ng mga Israelita, dahil nangako sa kanila ang mga pinuno ng bayan sa ngalan ni Jehova+ na Diyos ng Israel. Kaya ang mga Israelita ay nagbulong-bulungan laban sa mga pinuno. 19 Sinabi ng lahat ng pinuno sa mga Israelita: “Nangako kami sa kanila sa ngalan ni Jehova na Diyos ng Israel, kaya hindi natin sila puwedeng saktan. 20 Ito ang gagawin natin: Hahayaan natin silang mabuhay para hindi magalit sa atin ang Diyos, dahil nangako kami sa kanila.”+
-
-
Hukom 11:34, 35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 Pag-uwi ni Jepte sa bahay niya sa Mizpa,+ lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya habang tumutugtog ng tamburin at sumasayaw! Ito ang kaisa-isa niyang anak. Wala siyang ibang anak, lalaki man o babae. 35 Nang makita niya ang anak niya, pinunit niya ang kaniyang damit at sinabi: “Anak ko! Dinurog mo ang puso ko,* dahil ikaw ang paaalisin ko. Nangako ako kay Jehova, at hindi ko na iyon mababawi.”+
-