9 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Matipon sa isang lugar ang tubig na nasa ilalim ng langit, at lumitaw ang tuyong lupa.”+ At iyon nga ang nangyari. 10 Tinawag ng Diyos ang tuyong bahagi na Lupa,+ pero ang natipong tubig ay tinawag niyang Dagat.+ At nakita ng Diyos na iyon ay mabuti.+