Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 24:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Umakyat sina Moises at Aaron, Nadab at Abihu, at ang 70 sa matatandang lalaki ng Israel, 10 at nakita nila ang Diyos ng Israel.+ Parang sahig na yari sa batong safiro ang nasa ilalim ng mga paa niya, at kasing-aliwalas* ito ng langit.+

  • Isaias 6:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Noong taóng mamatay si Haring Uzias,+ nakita ko si Jehova na nakaupo sa isang matayog at mataas na trono,+ at pinupuno ng laylayan niya ang templo. 2 May mga serapin na nakatayo sa itaas niya; bawat isa ay may anim na pakpak: dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa ang nakatakip sa mga paa, at dalawa ang ginagamit sa paglipad.

       3 At sinasabi nila sa isa’t isa:

      “Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo.+

      Ang buong lupa ay punô ng kaluwalhatian niya.”

  • Ezekiel 1:27, 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 May nakita akong nagniningning na gaya ng elektrum,+ na tulad ng apoy na nagmumula sa tila baywang niya pataas; at mula sa baywang niya pababa, may nakita akong tulad ng apoy.+ Nagniningning ang palibot niya 28 gaya ng bahaghari+ sa ulap sa isang maulang araw. Ganiyan ang hitsura ng nakapalibot na maningning na liwanag. Gaya iyon ng kaluwalhatian ni Jehova.+ Nang makita ko iyon, sumubsob ako at may narinig akong tinig ng nagsasalita.

  • Apocalipsis 4:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Pagkatapos nito ay agad na sumaakin ang espiritu ng Diyos, at nakita ko ang isang trono na nasa puwesto nito sa langit, at may isang nakaupo sa trono.+ 3 At ang nakaupo ay kumikinang na gaya ng batong jaspe+ at ng batong sardio,* at sa palibot ng trono ay may isang bahagharing kumikinang na gaya ng esmeralda.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share