-
Daniel 9:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Habang nagsasalita pa ako at nananalangin at nagtatapat ng kasalanan ko at ng aking bayang Israel at nagsasabi ng kahilingan ko sa harap ni Jehova na aking Diyos para sa banal na bundok ng aking Diyos,+ 21 oo, habang nananalangin pa ako, ang lalaking si Gabriel,+ na nakita ko noon sa pangitain,+ ay dumating noong hinang-hina ako, noong oras ng panggabing handog na kaloob.
-