-
Gawa 2:25-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Dahil sinabi ni David tungkol sa kaniya: ‘Laging nasa isip* ko si Jehova;* dahil nasa kanan ko siya, hindi ako matitinag.* 26 Kaya natuwa ang puso ko at talagang nagsaya ang dila ko. At mabubuhay akong* may pag-asa; 27 dahil hindi mo ako iiwan sa Libingan,* at ang katawan ng tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mabulok.+ 28 Ipinaalám mo sa akin ang daan tungo sa buhay; pasasayahin mo ako nang husto sa iyong presensiya.’*+
-