-
Ezekiel 1:27, 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 May nakita akong nagniningning na gaya ng elektrum,+ na tulad ng apoy na nagmumula sa tila baywang niya pataas; at mula sa baywang niya pababa, may nakita akong tulad ng apoy.+ Nagniningning ang palibot niya 28 gaya ng bahaghari+ sa ulap sa isang maulang araw. Ganiyan ang hitsura ng nakapalibot na maningning na liwanag. Gaya iyon ng kaluwalhatian ni Jehova.+ Nang makita ko iyon, sumubsob ako at may narinig akong tinig ng nagsasalita.
-