Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 16:8-13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Magpasalamat kayo kay Jehova,+ tumawag kayo sa pangalan niya,

      Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+

       9 Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo ng mga papuri sa* kaniya,+

      Pag-isipan* ninyo ang lahat ng kamangha-mangha niyang gawa.+

      10 Ipagmalaki ninyo ang kaniyang banal na pangalan.+

      Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+

      11 Hanapin ninyo si Jehova+ at umasa kayo sa lakas niya.

      Lagi ninyong hanapin ang kaniyang mukha.*+

      12 Alalahanin ninyo ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya,+

      Ang kaniyang mga himala at ang mga hatol na inihayag niya,

      13 Kayong mga supling* ng lingkod niyang si Israel,+

      Kayong mga anak ni Jacob, na mga pinili niya.+

  • Awit 96:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Isaysay ninyo sa mga bansa ang kaluwalhatian niya,

      Sa lahat ng bayan ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa.+

  • Awit 145:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ihahayag nila ang kaluwalhatian ng iyong paghahari,+

      At magsasalita sila tungkol sa iyong kalakasan,+

      ל [Lamed]

      12 Para ipaalám sa mga tao ang makapangyarihan mong mga gawa+

      At ang maluwalhating karilagan ng iyong paghahari.+

  • Isaias 12:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 At sa araw na iyon ay sasabihin ninyo:

      “Magpasalamat kayo kay Jehova, tumawag kayo sa pangalan niya,

      Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+

      Sabihin ninyo na dakila ang pangalan niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share